Paghahain ng reklamo sa Dibisyon ng Sahod at Oras (WHD) ng Kagawaran ng Paggawa ng U.S.
Ano ang aasahan ko?
Ang WHD ay nagpapatupad ng Pederal na minimum na sahod, bayad sa overtime, pag-iingat ng talaan, at mga kinakailangan ng Batas sa Patas na Pamantayan sa Paggawa sa pagpapatrabaho ng bata, at Batas sa Bakasyong Pampamilya at Medikal, bukod sa iba pang Pederal na batas tungkol sa bayad.
Hakbang 1
Kumuha ng impormasyon para ihain ang iyong reklamo:
-
Ang iyong pangalan, address, at numero ng telepono
-
Ang pangalan, address, at numero ng telepono ng employer (o ahensya sa pagtatrabaho) na gusto mong sampahan ng reklamo
-
Pangalan ng manedyir o may-ari
-
Isang paglalarawan ng uri ng trabahong ginawa mo
-
Kailan naganap ang mga pangyayari
-
Paano at kailan ka binayaran (gaya ng cash o tseke, tuwing Biyernes)
Hakbang 2
Magpasya kung paano mo gustong maghain:
-
Sa pamamagitan ng telepono sa 1-866-487-9243
Hakbang 3
Dadalhin ang iyong reklamo sa pinakamalapit na opisina sa larangan, at makikipag-ugnayan sila sa iyo sa loob ng dalawang araw ng negosyo.
Hakbang 4
Makikipagtulungan kami sa iyo upang sagutin ang iyong mga tanong at matukoy kung ang pagsisiyasat ay ang pinakamahusay na paraan ng pagkilos.
Hakbang 5
Kung naka-set up ang isang pagsisiyasat at nakakita ng sapat na ebidensya, makakatanggap ka ng tseke para sa nawalang sahod.