Paghahain ng reklamo sa Opisina ng Pederal na Programa sa Pagsunod sa Kontrata (OFCCP)

Ang OFCCP ay may pananagutan sa mga nakikipagnegosyo sa Pederal na pamahalaan—mga kontratista at subkontraktor—sa pagsunod sa legal na kinakailangan para gumawa ng apirmatibong aksyon at hindi magdiskrimina batay sa lahi, kulay, kasarian, oryentasyong sekswal, pagkakakilanlan ng kasarian, relihiyon, bansang pinagmulan, kapansanan, o katayuan bilang isang protektadong beterano. Bilang karagdagan, ang mga kontratista at subkontraktor ay pinagbabawalang magdiskrimina laban sa mga nagtatanong, nagtatalakay o nagsisiwalat ng kanilang kompensasyon o ng iba, na napapailalim sa ilang partikular na limitasyon.

Karaniwan, dapat kang maghain ng reklamong nagsasaad ng diskriminasyon batay sa lahi, kulay, relihiyon, kasarian, oryentasyong sekswal, pagkakakilanlan ng kasarian, bansang pinagmulan, o batay sa mga katanungan sa kompensasyon, talakayan, o pagsisiwalat, sa loob ng 180 araw mula sa petsa ng pinaghihinalaang diskriminasyon, maliban kung ang oras para sa paghahain ay pinalawig para sa mabuting layunin na ipinakita. Kung ang iyong reklamo ay nagsasaad ng isang paglabag batay sa kapansanan o katayuan bilang isang protektadong beterano, dapat itong ihain sa loob ng 300 araw maliban kung ang oras para sa paghahain ay pinalawig para sa mabuting layunin na ipinakita.

 

Ano ang aasahan ko?

Hakbang 1

Kumuha ng impormasyon para ihain ang iyong reklamo:

  • Ang iyong pangalan, address, at numero ng telepono
  • Ang pangalan, address, at numero ng telepono ng employer (o ahensya sa pagtatrabaho o unyon) na gusto mong sampahan ng reklamo
  • Ang bilang ng mga empleyadong nagtatrabaho doon (kung alam)
  • Isang maikling paglalarawan ng mga kaganapang pinaniniwalaan mong may diskriminasyon (halimbawa, ikaw ay tinanggal, na-demote, linigalig)
  • Kailan naganap ang mga pangyayari
  • Bakit naniniwala kang nadiskrimina ka sa trabaho (tulad ng iyong lahi, kulay, relihiyon, kasarian, pagbubuntis, pagkakakilanlan ng kasarian, at oryentasyong sekswal, bansang pinagmulan, kapansanan, o katayuang beterano)

Hakbang 2

Kumpletuhin ang form sa wikang gusto mo: Ingles, Pinasimpleng Chinese, Tradisyonal na Chinese, Haitian Creole, Hmong, Espanyol or Vietnamese.

Hakbang 3

Magpasya kung paano mo gustong maghain:

 

Hakbang 4

Pagkatapos mong ihain ang iyong reklamo, bibigyan ka namin ng kopya nitong may numero ng reklamo. Susuriin namin ang iyong reklamo at makipag-ugnayan sa iyo kung kailangan namin ng higit pang impormasyon. Kung hindi mo pa nilalagdaan ang iyong reklamo, hihilingin sa iyo ng OFCCP na gawin ito.

Hakbang 5

Makikipagtulungan kami sa iyo upang sagutin ang iyong mga tanong at matukoy kung sisiyasatin ang reklamo.

Hakbang 6

Kapag nag-iimbestiga ang OFCCP, nagsisilbi itong neutral na tagahanap ng katotohanan. Kung ang OFCCP ay nakakita ng sapat na ebidensya ng diskriminasyon, maaari kang maging karapat-dapat sa tulong pinansyal o iba pang mga remedyo.